PUBLIKO, PINAG-IINGAT SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

CAUAYAN CITY – Muling pinag-iingat ng Department of Health (DOH) – Cagayan Valley ang publiko sa sakit na Leptospirosis dahil sa malawakang pagbaha dulot ng sunud-sunod na pananalasa ng bagyo sa buong Lambak ng Cagayan.

Ayon sa ahensya, ang naturang sakit ay dala ng bakteryang Leptospira na maaaring makuha sa mga kontaminadong tubig dahil sa ihi at dumi ng mga hayop.

Nagbigay rin ang ahensya ng mga paraan upang makaiwas sa naturang sakit gaya ng pag-iwas na lumusong o lumangoy sa maruming tubig o baha.


Kung hindi umano maiwasan ang paglusong sa baha, siguraduhing magsuot ng proteksyon lalo na kung may sugat para hindi ito maimpeksyon.

Ilan naman sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo at katawan, pamumula ng mata, pagtatae, at marami pang iba.

Pinayuhan din ng DOH – Cagayan Valley na agad magpakonsulta sa doktor kung makaranas man ng sintomas ng Leptospirosis.

Facebook Comments