Pinayuhan ng PNP Pangasinan ang publiko na maghanda sa posibleng kilos-protesta at tigil-pasada sa ilang lugar sa lalawigan, kabilang ang Lingayen at Dagupan, na inaasahang makakaapekto sa daloy ng trapiko at pampublikong transportasyon.
Ayon sa kapulisan, bagama’t hindi pa sigurado ay nakaantabay ang kanilang mga tauhan upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng trapiko sa mga lugar na maaaring maapektuhan.
Inirekomenda naman sa mga motorista at pasahero na maglaan ng sapat na oras sa biyahe, sumunod sa mga abiso ng awtoridad, iwasan ang hindi kinakailangang pagpunta sa mga apektadong lugar, at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










