Publiko, pinaghihinay-hinay sa pagkonsumo ng kuryente ngayong holiday season

Pinaghihinay-hinay ni Senator Sherwin Gatchalian ang publiko sa pagkonsumo ng kuryente ngayong mas nakararanas tayo ng pagtaas sa electricity usage sa gitna ng holiday season.

Ginawa ng senador ang panawagan sa paggunita na rin ngayong buwan ng Disyembre ng National Energy Consciousness Month.

Ayon kay Gatchalian, magsilbi sanang paalala ang buwan na ito at sa buong taon ng kahalagahan ng responsableng energy practices o wastong paggamit ng kuryente.


Paliwanag ng mambabatas, hindi lamang nakatitipid ang publiko rito kundi natitiyak din ang katatagan sa suplay ng kuryente at kabawasan sa epekto sa kapaligiran ng mataas na energy consumption.

Maliban sa inaasahang mataas na kunsumo ng kuryente ngayong holiday, ang epekto ng El Niño phenomenon ang isa rin sa mga dahilan para magtipid sa kunsumo ng kuryente dahil sa pagtaas ng demand.

Dahil dito, pinatitiyak ni Gatchalian na mayroong sapat na suplay ng kuryente para matugunan ang pangangailangan sa enerhiya ng bansa.

Facebook Comments