Publiko, pinagi-ingat sa kumakalat na may gamot na para sa N-CoV

Nanawagan si Dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin sa publiko na huwag magpapaniwala na may gamot na para sa 2019 Novel Coronavirus.

Giit ni Garin, wala pa talagang gamot na nadidiskubre na panlaban o pampigil sa pagkalat ng N-CoV.

Hindi aniya totoo na may mga supplements, malunggay products at mga kaparehong produkto na nakakagamot sa virus.


Paalala ni Garin, sayang ang gastos sa mga sinasabing gamot sa N-CoV na hindi pa naman napapatunayan sa mga pagaaral ng mga health professionals.

Sa ngayon aniya ay mabisang paraan para makaiwas sa N-CoV ay pagpapalakas sa resistensya, pagpapanatili na malinis ang katawan, pagpapakunsulta sa doktor kung masama ang pakiramdam at pagsunod sa mga advice na ibibigay ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments