Publiko, pinagtitipid ng DOE sa kuryente ngayong weekend dahil sa gagawing natural gas plant shutdown

Pinapayuhan ng Department of Energy (DOE) ang electric consumers sa Luzon na magtipid sa kuryente ngayong weekend.

Bunga ito ng dalawang araw na shutdown ng natural gas power generation facilities ng South Premiere Power Corporation (SPPC) at Excellent Energy Resources Inc. (EERI).

Ang naturang mga pasilidad ay pag-aari ng Meralco PowerGen, San Miguel Global Power, at Aboitiz Power.


Magsisimula ang shutdown ng 9:00 AM bukas, March 29 hanggang sa Lunes, March 31 dakong 6:30 AM.

Layon ng temporary shutdown na bigyang daan ang mechanical activities ng Linseed Field Corporation liquefied natural gas (LNG) terminal.

Tiniyak naman ng Meralco na sapat ang supply ng kanilang reserba para ngayong weekend.

Mananatili ring naka-high alert ang Meralco at nakahanda itong i-activate ang Interruptible Load Program (ILP) sakaling kailanganin.

Facebook Comments