Publiko, pinaiiwas muna sa mga aktibidad sa tabing-dagat dahil sa banta ng tsunami

Pinag-iingat ng Malacañang ang publiko sa posibleng banta ng tsunami matapos ang naitalang malakas na lindol sa Kamchatka, Russia.

Sa online post ng Presidential Communications Office (PCO), pinaiiwas muna ang publiko sa anumang aktibidad sa tabing-dagat.

Pinayuhan din ng Palasyo ang publiko na mag-monitor muna sa mahahalagang impormasyon kaugnay ng lindol at tsunami.

Partikular sa opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, gaya ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, gayundin ng mga lokal na pamahalaan para sa karagdagang impormasyon.

Sa anunsyo ng NDRRMC, dalawampu’t dalawang lugar sa bansa ang inalerto laban sa “tsunami minor sea-level disturbance” o banta ng tsunami mula sa dagat na nakaharap sa direksyon ng Kamchatka, Russia, dahil naitalang magnitude 8.7 na lindol nitong umaga.

Nauna na ring naglabas ng advisory ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) official para sa preemptive evacuation at maagang paghahanda sa mga naturang lugar.

Facebook Comments