Kinalma ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay ng dalawang Omicron sub lineages na binabantayan ng World Health Organization (WHO) sa Africa at Europe.
Partikular ang na-detect sa South Africa, Botswana, Belgium, Denmark at UK.
Ayon sa DOH, hindi pa nila ito itinuturing na banta lalo na’t wala namang mga kritikal na kaso nito sa South Africa.
Wala naman anilang naitatalang mga nao-ospital at namamatay sa South Africa dahil sa naturang sub lineages.
Kinumpirma rin ng DOH na sa genome sequencing sa buwan ng Abril, wala rin silang na-detect na kaso sa bansa ng Omicron XE.
Gayunman, patuloy anila ang mga pagsusuri kung may mga recombinant variant nang nakapasok sa bansa.
Facebook Comments