Publiko, pinayuhan ng COMELEC na mag-testigo sakaling may ireklamo na gumagawa ng vote buying

Hinihimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na maging testigo sakaling may ireklamo ng vote buying may kaugnayan sa Barangay at SK Elections (BSKE).

Kaugnay nito, sinisiguro ni COMELEC Chairman George Garcia na hindi masasangkot sa kaso ang sino mang nais maging testigo laban sa vote buying.

Ayon kay Garcia, handa silang kausapin ang Department of Justice (DOJ) na huwag isama sa mga kakasuhan ang binibilan ng boto at tetestigo hinggil dito.


Paliwanag ni Garcia kahit kasi may sapat na ebidensya na hawak ang prosekusyon ay kinakailangan pa rin ng testigo hinggil dito kapag naisampa na sa korte.

Muling nananawagan ang COMELEC sa publiko na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung ngayon pa lamang ay may nagaganap na vote buying ng mga kakandidato sa nalalapit na Barangay at SK Elections.

Facebook Comments