Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na limitahan ang pagkonsumo ng artificial na sweetener.
Ito’y matapos maglabas ng artikulo ang World Health Organization (WHO) na nagsasabi na posibleng link sa pagitan ng artificial sweetener aspartame at liver cancer.
Sa ulat ng WHO, kailangan ng karagdagang pananaliksik sa panganib ng pagkonsumo ng aspartame upang tapusin ang mga panganib sa kalusugan ng paggamit ng aspartame sa loob ng katanggap-tanggap na pang-araw-araw na paggamit ng 0-40 milligrams bawat kilo ng timbang ng katawan.
Nabatid na karaniwang ginagamit sa diet drinks, chewing gum, gelatin, ice cream, dairy products, cough drops at iba pa ang nasabing artificial sweetener.
Kaugnay nito, nakatakdang maglabas ang DOH at Food and Drug Administration (FDA) ng abiso ng pagpapaliwanag sa safety code kaugnay ng nasabing usapin.
Sa kabila naman ng nasabing usapin, kakailanganin pa rin ng masusing pag-aaral hinggil sa bagay na ito at umaasa ang organisasyon na ang iminungkahing pagtatalaga ay makakakuha ng atensyon ng mga siyentipiko at hikayatin silang magsaliksik pa ng aspartame at ang posibleng koneksyon nito sa nakamamatay na sakit.