Publiko, pinayuhan ng IATF na huwag panghinaan ng loob kasunod nang paglobo ng kaso COVID-19 sa bansa

Kasunod nang pagdami ng confirmed cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas na umabot na sa 5453.

Pinayuhan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang publiko na huwag panghinaan ng loob, manatili lamang sa loob ng bahay at sundin ang pamahalaan

Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay bunga ng mas pinalawak na testing.


Paliwanag ni Nograles, habang lumalawak ang dami ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19, nakakabahala ang datos pero sa kabilang banda natutukoy agad sila ng pamahalaan, nai-isolate at nabibigyan agad ng atensyong medikal dahilan para hindi na kumalat pa ang virus.

Idinagdag pa ni CabSec. Nograles na sa pulong ni kahapon sa task force mayroong iprinisentang graph ang mga eksperto na bumaba mula sa dati’y 17% – 18% positibo sa kabuuang bilang sa 15 porsyento.

Kahit na, aniya, may ganitong datos ang health experts, sinabi ni Nograles na hindi pa rin dapat magpakampante at masyado pa aniyang maaga para sabihing bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments