Publiko, pinayuhan ng isang kongresista na kaagad komunsulta sa doktor kapag nakaramdam ng sintomas ng dengue

Ikinaalarma ni Committee on Health Vice Chairman at AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa na base sa datus ng Department of Health (DOH) ay umaabot na sa 51,323 mula Jan. 1 hanggang May 20 ngayon taon.

Sabi ni Reyes, ang naturang bilang ay mas mataas ng 30% kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Bunsod nito ay pinayuhan ni Reyes ang publiko na kaagad magtungo sa health facility at magpakonsulta sa oras na makaramdam ng sintomas ng dengue.


Diin ni Reyes, ang agad na pagpapagamot ay napakahalaga para maagapan ang anumang sakit, tulad ng dengue, at hindi na lumala.

Ito ang rason kung bakit puspusan ang pagsusulong ni Reyes sa panukalang magpapahusay ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Pangunahing binanggit ni Reyes ang House Bill No. 430 o panukala na libreng medical checkups kada taon kasama ang blood sugar at cholesterol tests.

Facebook Comments