Publiko, pinayuhan ng isang kongresista na obserbahang mabuti ang mga sintomas ng sakit na bunga ng paglusong sa baha

Matapos ang matinding pananasala ng Super Typhoon Carina at habagat, pinag-iingat ni AGRI Party-list Wilbert “Manoy” Lee ang publiko laban sa mga sakit na dulot ng baha tulad ng typhoid fever, cholera, at leptospirosis.

Bunsod nito ay pinayuhan ni Lee ang mga lumusong sa baha na mahigpit na obserbahan ang kanilang sarili sa sintomas na naturang mga sakit at agad na kumonsulta sa doktor.

Bukas din si Lee at ang AGRI Party-list sa mga mangangailangan ng medical assistance.


Pinasalamatan naman ni Lee ang mga kawani ng gobyerno at volunteers na nag-rescue sa mga kababayan nating stranded at kinailangang lumikas, nag-aasikaso sa evacuation centers, pati na sa media na patuloy ang serbisyo sa taumbayan sa kabila ng delikadong sitwasyon.

Kaugnay nito, iginiit ni Lee sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang flood and drainage projects at bilisan ang aksyon sa mga lugar na nangangailangan ng tulong ngayon.

Ipinunto ni Lee na dapat seryosohin ang mga proyektong tutugon sa malawakang pagbaha dahil may pondo ang gobyerno para dito na dapat gamitin sa epektibong flood control.

Facebook Comments