Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senator Imee Marcos ang mga mamimili na maging mapanuri at piliing mabuti kung ang binibiling mga kandila na gagamtin ngayong Undas ay hindi peke o mahinang klase.
Ayon kay Marcos, naglipana ngayon sa mga palengke at tindahan ang mga mahihinang klase o pekeng kandila na kadalasan ay mabilis na matunaw at may maitim na usok kapag sinindihan.
Sinabi ni Marcos na may mga tusong negosyante ang sa halip purong paraffin wax ay mga natunaw nang kandila ang ginagamit sa paggawa ng kandilang kanilang ibebenta.
Dismayado din si Marcos na halos tumaas ng P5 ang presyo ng isang esperma na kandila sa mga tindahan at palengke, at posibleng tumaas pa ang halaga nito habang ginugunita ang Todos Los Santos.
Facebook Comments