Publiko, pinayuhang huwag muna magtungo sa public places, ayon sa DOH

Sa gitna nang pagtaas ng local transmission ng Corona Virus Disease o COVID-19, nananawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na umiwas muna sa pagtungo sa pampublikong lugar.

Mahigpit ding pinaalalahanan ng kalihim ang publiko na umiwas sa mga mass gathering o sa mga pagtitipon upang makatiyak na ligtas sa virus.

Patuloy din ang apela ni Duque sa publiko na manatiling vigilant sa sitwasyon at ugaliing maging malinis ang katawan gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, dumistansiya sa tao at magtakip ng bibig tuwing uubo.


Muling tiniyak ni Duque sa publiko na ginagawa ng Department of Health o DOH ang lahat upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments