Publiko, pinayuhang ipagpaliban na muna ang pagtitipon sa darating na Chinese New Year

Pinaalalahanan ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire ang publiko kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 1.

Ayon kay Vergeire, hindi pa napapanahon na magkaroon ng mga pagtitipon sa nasabing okasyon dahil nananatiling mataas ang kaso ng COVID-19.

Umapela si Vergeire sa publiko na ipagpaliban na muna ang mga pagtitipon kaakibat ng Chinese New Year dahil kahit bakunado pa ay pwede pa ring mahawa at makapanghawa.


Aniya, marami pang ibang pagkakataon para magkatipon-tipon ang pamilya at mga kaibigan sa panahong maganda na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments