PUBLIKO, PINAYUHANG MAGING MAPAGMATIYAG SA TEXT AT ONLINE SCAMS NGAYONG HOLIDAY SEASON

Pinaigting ng National Telecommunications Commission (NTC) Region 1 ang kanilang panawagan sa publiko na maging alerto at maingat sa mga natatanggap na text at online messages ngayong holiday season, sa gitna ng tumataas na kaso ng scams sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay NTC Region 1 Legal Officer Atty. Ana Minelle Maningding, mahalagang suriin ang mga natatanggap na mensahe upang matukoy ang mga red flags na posibleng senyales ng panloloko.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na huwag basta-basta mag-click ng mga link na kasama sa mga mensahe dahil maaaring gamitin ang mga ito upang ma-access ang mahahalagang impormasyon sa inyong mga mobile phone.

Dagdag pa rito, maging mapanuri rin sa mga mensaheng nagpapanggap na mula sa mga ahensya ng gobyerno o nanghihingi ng tulong na peke ang layunin.

Bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa scams, hinikayat ng NTC Region 1 ang publiko na huwag agad magtiwala at i-report ang mga kahina-hinalang numero sa kanilang opisyal na website, ntc.gov.ph. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments