Pinapayuhan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang publiko na manatiling kalmado sa kabila ng kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) sa unang kaso ng 2019 Novel Coronavirus dito sa Pilipinas.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, on top of the situation na ang DOH. Makakasa aniya ang publiko na patuloy ang koordinasyon ng health department, research agency at law enforcement upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Pinaigting rin aniya ng pamahalaan ang mga angkop na hakbang at precautionary measures upang tuganan ang health issue na ito.
Ayon kay Secretary Andanar, makabubuti kung susundin ng lahat ang mga health at preventive advisories na inilalabas ng DOH. Panatilihin aniya ang proper hygiene at kalinisan, manatiling vigilante at makipagugnaayan sa mga local brgy health centers sa sakaling na makaramdam ng sintomas tulad ng sa NCoV.
Tiniyak ng kalihim na patuloy rin ang gagawing pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga OFW, at makikipagugnayan rin aniya ang gobyerno sa Chinese authorities para sa repatriation efforts na kakailanganin ng mga Pilipino sa China. Gagawa rin aniya sila ng coronavirus hotline para asistehan ang mga Pilipino sa China para sa prevention at countermeasures.
Kasabay aniya ng patuloy na pagdagsa ng mga dayuhan sa bansa, magpapatuloy rin ang pagsasagawa ng mga kinakailangang customs, immigration at quarantine measures upang malabanan ang pagkalat ng virus sa bansa.