Posibleng mawalan ng interest ang publiko sa kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte kung hindi pa siya magde-desisyon agad sa totoong intensyon niya sa pulitika.
Ito ang sinabi ng political analyst na si Julio Teehankee sa harap ng patuloy na pananahimik ni Mayor Sara sa kabila ng pagkumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ang presidential daughter sa pagka-pangulo sa 2022.
Aniya, bagama’t nangunguna si Mayor Sara sa Pulse Asia Survey na isinagawa mula September 6 hanggang 11, mapapansing bumaba ng 8% ang kanyang rating mula sa 28% na nakuha niya noong June survey.
Aniya, kapag nawalan ng gana ang mga botante ay maaaring mapunta sa ibang kandidato ang mataas niyang numero.
Noong Sabado, matatandaang naghain na si Mayor Sara ng Certificate of Candidacy (COC) para sa reelection sa Davao City.