Publiko, responsibilidad ding magbantay ng kanilang paligid ayon sa pamahalaan

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na dapat ay maging mapagmatiyag ang publiko at agad na isumbong sa mga otoridad kung may makikitang kahinahinalang aktibidad sa ibat-ibang lugar.

Sa briefing ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na hindi sana nangyari ang Marawi Siege kung nagbantay sana ang mga residente nito.

Paliwanag ni Padilla, limitado lang ang bilang ng sandatahanh lakas at maging ng Philippine National Police o PNP at hindi kayang bantayan ang lahat ng sulok ng bansa.


Sinabi ni Padilla, dito papasok ang responsibilidad ng mamamayan na magbantay at makipagtulungan sa mga otoridad upang maging ligtas ang lahat.

Pero nilinaw naman ni Padilla na wala silang sinisisi sa nangyayaring krisis sa Marawi City, dahil wala namang sinumang matinong tao ang may kagustuhan nito.
DZXL558

Facebook Comments