Publiko, satisfied pa rin kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na satisfaction ratings sa 2nd quarter survey na ginawa ng Social Weather Station o SWS.
Base sa resulta ng Survey na ginawa noong June 23 hanggang 26 2017 na may 1200 respondents sa buong bansa ay nakakuha ang Pangulo ng +66 % o Very Good net Satisfaction Ratings.
Ito na ang pinakamataas na Satisfaction Ratings ng Pangulo mula noong setyembre noong nakaraang taon.
Base din sa nasabing survey ay bumaba ang net satisfaction ratings ng Pangulo sa Mindanao mula sa +87 patungo sa +75.
Wala parin namang inilalabas na reaksyon ang Malacanang sa mataas na ratings ng Pangulo.

Facebook Comments