Publiko, walang dapat ikabahala sa pagpasok ng COVID-19 Omicron subvariant na Arcturus sa bansa ayon sa isang infectious disease expert

Pinawi ng isang infectious disease expert ang pangamba ng publiko kaugnay sa banta ng bagong COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus.

Sa panayam ng RMN Manila kay Dr. Edsel Salvana, sinabi nitong wala pang dapat ikabahala kahit tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Paliwanag ni Salvana, bukod sa kakaunti lamang ang naitatalang severe at critical cases ay nananatiling manageable ang hospital utilization rate sa bansa.


Naniniwala rin ang eksperto na hindi dulot ng Arcturus subvariant ang nararanasang pagtaas ng COVID-19 cases.

Sa kabila nito, iginiit nito ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar at mga poor-ventilated areas.

Facebook Comments