Hindi dapat magpakita ng pagkatakot ang publiko kapag may mga naramdamang pagyanig o lindol sa kanilang lugar.
Ayon kay Jeffrey Perez , Supervising Science Research Specialist ng Phivolcs , ang mga maliit na lindol mula magnitude 4 pababa ay hindi nakakapagdulot ng pinsala.
Hindi rin lahat ng lindol ay dapat lumikas o mag evacuate ang tao.
Ani Perez kada araw may average na 20 pagyanig ang nangyayari sa ibat ibang dako ng bansa at 45 kada linggo.
Mahigit naman sa 300 ang bulkan sa Pilipinas,27 dito ang potentially active at 24 ang aktibo.
Sabi pa ni Perez ,kailangan pang ma -educate ang publiko para mabigyan pa ng sapat pang kaalaman .
Aniya, malaki ang maitutulong ng media para mabigyan ng tamang impormasyon ang publiko hindi lamang kapag nangyari na ang lindol.