Publisher na si Dante Ang, itinalagang chairperson ng Commission on Filipino Overseas

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Dante Francis Ang II bilang chairperson ng Commission on Filipino Overseas (CFO).

Papalitan ni Ang bilang chairperson ng komisyon si Romulo Arugay.

Ang Chairperson ng Commission on Filipinos Overseas ay may tungkuling pangasiwaan ang mga programa at polisiya na poprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa labas ng bansa.


Si Ang ang chairman emeritus ng The Manila Times at humawak din ng posisyon sa Duterte administration bilang special envoy para sa international public relations.

Lumabas ang appointment papers ni Ang na may petsang October 16, 2024 at may lagda na ng Pangulo.

Facebook Comments