Inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na patuloy na magiging bukas sa publiko ang Puerto Galera para sa turismo sa kabila ng poor water quality sa lugar at ibinabala na maaaring mawalan ng revenue ang Oriental Mindoro na P5.3 million kada araw kapag pagbabawalan ang mga turista na makapunta sa top travel destination.
Tanging nasa siyam mula sa 35 sampling stations lamang kasi sa bayan ng Puerto Galera na isang pangunahing tourist spot sa Oriental Mindoro ang pumasa sa water quality test na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nagpaalala naman si Environment Undersecretary Jonas Leones sa publiko na mag-ingat sa pagkakaroon ng direktang contact sa kontaminadong tubig na maaaring magresulta ng sakit sa balat, mga pantal o paltos.
Samantala, ang mga lugar naman na pumasa sa water qulity test ay ang Small La Laguna and Big La Laguna shorelines, Balete, Central Sabang shoreline, Coco Beach, Batangas Channel, Paniquian, Balatero, at West San Isidro Bay.
Ayon pa sa ahensiya na kahit pa malinaw ang tubig sa Puerto Galera ay posible pa ring kontaminado ito.
Samantala, positibo naman si DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na mako-contain ng pamahalaan ang oil spill sa Oriental Mindoro ngayong buwan ng Abril.