Pasok ang Puerto Princesa Underground River sa Hall of Fame ng travel review website na TripAdvisor.
Ayon kay Puerto Princesa Subterranean River Natural Park Superintendent Beth Maclang, natanggap nila ang parangal dahil simula 2015, taon-taon na silang nakatatanggap ng traveler’s excellence award.
Aniya, malaki ang naging papel ng kanilang customer service at patuloy na ecological conservation sa lugar para makuha ang award.
Ang nasabing award aniya ay magsisilbing paalala para mas pagbutihin pa nila ang kanilang trabaho at pangalagaan ang parke.
Facebook Comments