Natunton at naaresto ng mga operatiba ang 26 anyos na puganteng nakatakas mula sa Provincial Jail ng Iba, Zambales, sa Brgy. Sapa Paqueña, Burgos, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay nahaharap sa kasong New Anti-Carnapping Law at nakadetene sa nabanggit na piitan simula Nobyembre 2025, nang makatakas nitong April 6.
Sa pinagsanib pwersa ng tracker team mula Burgos, Alaminos City, at Sta. Cruz, Zambales, ang suspek ay matagumpay na naibalik sa piitan upang harapin ang parusa ng kinakaharap na kaso.
Kaugnay nito, iginiit ng awtoridad ang positibong epekto ng kooperasyon ng mga residente para mapigilan ang kriminalidad sa mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








