Puganteng American national, arestado sa Quezon City — BI

Nakaditine na sa holding facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Taguig City ang isang puganteng American national na pugante sa kanilang bansa.

Ayon sa Immigration fugitive search unit (FSU) ang Amerikanong undesirable alien ay kinilalang si Jonathan Michael James, 37-anyos na naaresto sa Brgy. Krus na Ligas sa Diliman, Quezon City.

Lumalabas na ni-revoke ng mga awtoridad sa Estasos Unidos ang pasaporte ni James at ikinukonsidera na itong undocumented at undesirable alien ng Philippine immigration.


Ang pugante ay subject din ng warrant of arrest na inisyu ng Davidson County, Sherrif Office, North Carolina, USA para sa limang bilang ng Second Degree Sexual Exploitation of a Minor na paglabag sa Section 14-190.17 ng North Carolina General Statutes.

Facebook Comments