Puganteng Hapon na wanted dahil sa fraud at swindling, blacklisted na ayon sa Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Ipapatapon pabalik ng Japan ang isang puganteng dayuhan na wanted dahil sa kasong fraud at swindling.

Kinilala ni Immigration Chief Jaime Morente ang puganteng hapon na si Suzuki Yuya na naaresto kahapon ng fugitive search unit ng BI sa kanilang tahanan sa South Greenpark Village, Parañaque City.

Nasakote si Yuya sa pamamagitan na rin ng hiling ng Japanese National Police sa Japanese Embassy sa Maynila, dahil sa kasong kanyang kinakaharap sa Japan at dahil sa pagiging undocumented alien makaraang kanselahin ng Japan ang kanyang pasaporte.


Modus ng suspek na magpanggap na may sakit dahil nuong September 2010 nag-claim ito ng 22M yen sa isang medical insurance company dahil siya di umano ay may cancer.

Ayon kay Morente nagtatago sa Pilipinas si Yuya simula noong November 9, 2013 kasama ang kanyang Pinay na asawa.

Habang inaantabayan ang kanyang clearance at iba pang dokumento, nakaditine pansamantala ang suspek sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Blacklisted na rin ang dayuhan sa Pilipinas, ibig sabihin bawal at hindi na rin siya makakabalik pa ng bansa.

Facebook Comments