Puganteng Hapones, arestado ng BI

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagtangay ng pera sa bank book na pinatago sa kanya.

Kinilala ang Japanese national na si Fuminori Sato, 37-anyos.

Si Sato ay inaresto ng mga otoridad sa isang hotel sa Pasay dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9-2-6-2 o ang Anti-Violence Against Women and Children.


Tumawag naman ang Embahada ng Japan sa BI para hilingin na arestuhin si Sato dahil sa warrant of arrest laban sa kanya sa Japan matapos nitong i-withdraw ang 200,000 yen o katumbas ng 100,000 pesos na pinatago sa kanyang bank book.

Bukod sa deportation, inilagay na rin siya ng BI sa blacklist para hindi na muli makapasok sa bansa.

Facebook Comments