Puganteng Koreano, nakatakas sa detention facility sa loob ng camp bagong diwa; manhunt operation ikinasa ng pulisya

Nagpapatuloy ang isinasagawang manhunt operations ng Bureau of Immigration (BI) laban sa isang Korean national na nakatakas sa warden’s facility nito sa loob ng Kampo Bagong Diwa sa Taguig City nitong Linggo, Mayo 21.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang puganteng Korean national na si Kang Juchun na nakatakas matapos na akyatin ang 20 talampakang bakod ng pasilidad dakong 2:00 AM.

Dagdag pa ni Tansingco, naharang si Kang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Pebrero 10 nang bumaba ito sa eroplano buhat sa Bangkok.


Nabatid na may outstanding red notice hit si Kang mula sa International Police (InterPol) dahil nahaharap ito sa kasong murder o pagpatay sa Republic of Korea.

Samantala, dahil na rin sa pangyayari, pinaigting ng Immigration ang seguridad nito sa kanilang pasilidad sa loob ng Kampo upang maiwasan na ang kahalintulad na insidente.

Facebook Comments