Puganteng Taiwanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa reckless driving, naharang sa NAIA

Muling tiniyak ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga border ng bansa kasunod ng pagkakaharang sa puganteng Taiwanese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang suspek na si Ko Meng Yu, 30 years old ay nasa blacklist na rin ng ahensiya at may kasong reckless driving and negligence resulting to injury sa kanilang bansa.

Agad namang naharang ang banyaga na dumating sa bansa mula Dubai at sakay ng Emirates flight.


Kasunod nito ay ini-refer si Yu sa mga awtoridad sa Taiwan at pinabalik sa kanilang bansa.

Kasabay nito, ipinagmalaki naman ni Tansingco na dahil sa mga sunod-sunod na pagkakaharang ng mga indibidwal na iligal na pumapasok sa bansa ay patunay na tumitibay pa ang kanilang partnership sa mga foreign counterparts.

Facebook Comments