PUJ DRIVERS AT VENDORS SA MALASIQUI, NAKATANGGAP NG CASH ASSISTANCE SA ILALIM NG AICS PROGRAM NG DSWD

MALASIQUI, PANGASINAN – Muling naganap ang pamamahagi ng financial assistance para sa mga vendors at Public Utility Jeepney drivers sa bayan ng Malasiqui ang direktang natanggap mula sa DSWD Region 1.

Nabigyang katuparan ang minimithing ayuda ng mga vendors at PUJ drivers. Binigyang linaw naman ng alkalde ang haka-hakang palakasan ito.

Giit nito na dahil sa direkta namang natanggap mula sa kamay ng DSWD Region 1 ang ayudang at hindi na ito dumaan sa opisina.


Una namang nakatanggap ang aabot sa 4,123 indigent families and individual members mula sa iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng Department of Social Welfare and Development Office DSWD.

Sa dami ng natukoy na benepisyaryo ay hinati naman sa dalawang batch ang pamimigay ng cash assistance kung saan ang ilan ay iniskedyul sa umaga at hapon naman ang second batch.

Facebook Comments