Pulis, 3 kapwa pusher huli sa buy-bust

Kulungan ang bagsak ng isang pulis at taltlo pang mga pusher na nahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, Linggo, Hulyo 28.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief PCol. Carlito Gaces ang naarestong 42-anyos pulis na si Pat. Jun Acosta ng District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU) NPD, residente ng Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Nadakip din ang tatlo pang pusher na sina Vanessa Bayani, 28, Marianne Salas, 34, at Randy Delos Santos, 37.


Isinagawa ang buy-bust nang madaling araw sa kahabaan ng McArthur Highway Malinta.

Narekober sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng shabu, buy-bust money, Philippine National Police (PNP) ID, at dalawang motorsiklo.

Facebook Comments