PULIS, ARESTADO BILANG SUSPEK SA PAMAMARIL SA ILOCOS NORTE

Inanunsyo ng Police Regional Office 1 ang pag-aresto sa isang pulis na itinuturing na pangunahing suspek sa insidente ng pamamaril sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa pamamagitan ng isinagawang hot pursuit operation ng San Nicolas Municipal Police Station.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa tulong ng mga kuha mula sa CCTV at mga testimonya ng mga saksi.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at ang iba pang posibleng sangkot sa insidente.

Tiniyak ng Police Regional Office 1 na isasailalim sa kaukulang proseso ang suspek at mananagot sa batas.

Facebook Comments