Pulis, arestado dahil sa paggamit ng motorsiklo na ebidensya sa drug buy-bust operation

Timbog ang isang pulis matapos mapagalaman na ginagamit nito ang ilang sasakyan na narerekober mula sa kanilang mga operation.

Nakilala ang nasabing pulis na si Patrolman Orlando Estrella Perez, 43-anyos at naka assign sa Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office o NCRPO.

Ayon sa operatiba ng anti-carnapping ng NCRPO, ginawa ang operasyon laban sa pulis suspek, matapos makatanggap ng ulat kaugnay sa paggamit ng nasabing pulis ng isang motorsiklo na ebidensya mula sa ginawa nilang drug buy-bust operasyon sa noong April 6 ngayong taon.


Ayon sa ulat ng NCRPO, hindi umano dineklara ng bagitong pulis ang ang nasabing motorsiklo na ginamit niya bilang pang personal na service.

Nakulong ang suspek at tinanggal na rin sa serbisyo bilang pulis. Inihahanda na rin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments