Pulis, arestado dahil sa paglabag sa quarantine protocols sa Ilocos Sur

100

Huli ang isang 32-anyos na pulis matapos na lumabag sa umiiral na quarantine protocols sa Brgy. Bio, Tagudin, Ilocos Sur.

Kinilala ang pulis na si Police Staff Sergeant June Christopher Briones, nakatalaga sa 34th Action Company Bicutan, Taguig at residente ng Naglaoan Sto. Domingo, Ilocos Sur.


Sa ulat ng Tagudin Police Station sa Ilocos Sur, na-flag down ang sasakyang Hi Ace Commuter Van nang suspek sa Tagudin Border, nagpakilala itong pulis at sinabing dadaan lamang sila sa Ilocos Sur kasama ang mga pasahero nito patungo sa Abra.

Pero na-monitor ng Tagudin Philippine National Police (PNP) mula sa quarantine checkpoint ng Sto. Domingo Police na nagbaba ng pasahero sa Sto. Domingo at San Juan sa Ilocos Sur ang suspek.

Dahil dito, inaresto ito at ngayon ay nakakulong sa Director Headquarters Support Service sa Ilocos Sur at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11332.

Facebook Comments