Pulis, Arestado dahil sa Pagsasabong!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang pulis matapos itong maaktuhan na nagsasabong sa Vargas Cockpit Arena sa Brgy. Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay P/BGen. Angelito Casimiro, Regional Director ng Police Regional Office 02 (PR02), nakilala ang pulis na si P/Master Sgt. Fidel Aquio Jr., 44-anyos at residente ng Annafunan West, Tuguegarao City na nakatalaga sa Regional Logistics and Research Division ng PRO2.

Isinasailalim na sa summary proceedings si Aquio para bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang sarili sa paglabag sa PNP Ethical Standards at Memorandum Circular 17-013 PNP Internal Cleansing Strategy.


Posibleng mapatawan ng suspension, demotion o dismissal si Aquio depende sa resulta ng imbestigasyon dahil sa pagpunta nito sa sabungan.

Facebook Comments