Pulis arestado sa buy-bust operation sa Angeles City

271
Photo Courtesy: PDEA-Central Luzon

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na droga sa isang buy-bust operation sa Angeles City.

Ikinasa ang drug buy-bust operation sa nadiskubreng sinalakay na drug den sa Brgy. Pulong Cacutud, Block 5 Lot 38 Nouveau Residence na nagresulta ng pagkakaaresto ng isang pulis at apat na iba pa.


Kinilala ni PDEA-3 Regional Director Christian Frivaldo ang mga naaresto na sina SPO2 Frederick Torres, 50 anyos, Jay Angeles Nugid, Jennifer Angeles Nugid, Arlene Payacda Campos at Rona Asebron Tabuena.

Kabilang sa mga nasamsam ay tatlong botelya ng liquid shabu na nagkakahalaga ng ₱240,000 at 60 gramo ng kush marijuana na nagkakahalaga ng ₱240,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang suspek.

Facebook Comments