Pulis, Arestado sa Kasong VAWC

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang pulis na Wanted sa Batas matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito sa bandang 10:30 kaninang umaga sa Brgy. District 1, Tumauini, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Reymark Maddalora, 30 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Centro, Cabagan, Isabela.

Sa imbestigasyon ng PNP Tumauini, boluntaryong sumuko sa kanyang kapwa pulis matapos isilbi ang warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Lyliha Abella-Aquino ng RTC Br. 4 Tuguegarao City para sa kasong *RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004″ *sa ilalim ng criminal case no. 21010 na may petsang Nobyembre 29, 2019.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang (P72,000.00).

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng kapulisan ang nasabing pulis.

Facebook Comments