Pulis at ama niyang tulak ng droga sa QC,nakatikim ng sermon kay QCPD Director Esquivel

Pinagalitan ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr. ang mag amang Patrolman Darryl Galendez at ang tatay nito na si  Daniel Galendez matapos silang mahuli sa isang buybust operation sa  Arthur Street Area 1, Barangay Pasong Tamo .

Ayon kay Talipapa Police Station Commander Police Lieutenant Colonel Alex Alberto, anim na buwan din nilang binantayan ang pagtutulak ng droga ng 50 anyos na si Daniel habang ang anak na pulis naman ang protektor ng bawal na gamot sa lugar.

Kabilang sa mga nakuha sa  buybust operation ay  7 sachet ng hinihinalang shabu, walang lisensyang  caliber 45 pistol at apat cellular phones at buybust money.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mag amang Galendez at ang kasabwat nilang babae na si Estella Alfonso.

Facebook Comments