Pulis at kasama nito arestado dahil sa gunrunning activities sa Paranaque City

Huli ang isang pulis at kasama nito dahil sa gunrunning activities o ilegal na pagbebenta ng baril sa ikinasang entrapment operation ng Philippine National Police (PNP) sa Paranaque City nitong sabado.

Sa report ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay PNP Chief General Debold Sinas, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa harap ng isang kilalang restaurant sa Doña Soledad Avenue, Parañaque City.

Dahil dito arestado ang pulis na suspek na si Police Staff Sergeant Reynolfo Ursulum, 50-anyos, residente ng Chavez St., Central Bicutan, Taguig City, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit sa Police Regional Office 7 sa Central Visayas.


Habang ang kasama nitong naaresto ay kinilalang si Carvyn Parcon, 21-anyos.

Nagpanggap ang CIDG na bibili ng apat na assault rifles sa halagang P500,000 sa mga suspek kaya sila nahuli.

Nakuha sa kanila ang apat Bushmaster M4A1 carbines, isang PNP-issued Taurus 9mm pistol, magazine assemblies with live ammunition, ID at ATM cars, at isang SUV with plate number JUN 660.

Natukoy pa ng PNP na ang mga baril na kanilang ilegal na binebenta ay nagmula sa Alabang, Muntinlupa City.

Facebook Comments