Pulis at militar, muling ide-deploy sa Metro Manila kasabay nang pagpapatupad ng unified curfew

Asahan na ang mas maraming pulis at militar sa Metro Manila sa Marso 15 kasabay ng pagpapatupad ng ‘two-week unified curfew’ na itinakda mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, layon nila magpatupad ng mas istriktong implementasyon ng curfew at magkaroon ng border check para mapigil ang patuloy na paglobo ng COVID-19 sa bansa.

Sabi pa ni Olivarez, ang bawat lungsod ay mayroong ordinansa na magpaparusa sa mga lalabag sa curfew.


Facebook Comments