Pulis-Dinapigue , Patay matapos Barilin ng CAFGU Member habang Nagpapatrolya

*Cauayan City, Isabela*- Dead on Arrival ang isang pulis matapos barilin ng isang CAFGU na miyembro ng 77 Infantry Battalion matapos makaalitan kagabi sa isang videoke bar habang nagpapatrolya kasama ang isa pang pulis sa Brgy. Digumased, Dinapigue, Isabela.

Kinilala ang biktima na si PCpl. Freddie Marcos na tubong Bayan ng Lasam, Cagayan na nakadestino sa PNP Dinapigue na isang coastal town sa Isabela.

Ayon kay PCapt. Clarence Labasan, Hepe ng PNP Dinapigue, pasado 10:30 kagabi habang nagpapatrolya ang biktima kasama ang isa pang pulis ng makaalitan ang mga suspek na si Abner Soriano at si Jarwin Marticio na kapwa miyembro ng CAFGU.


Dagdag pa ng hepe, ilang saglit pa ay biglang umalis ang suspek na si Jarwin Marticio at pagbalik ay armado na ng isang baril at agad na binaril sa dibdib ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala ng kalibre 9mm.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation sa suspek na si Marticio habang inihahanda na ang kasong Murder laban kay Soriano.

Facebook Comments