Pulis, Inaresto matapos Maaktuhan na Tumataya sa isang ‘Sabungan’

20197

*Cauayan City, Isabela*- Agad na inaresto ng mga operatiba ng Cauayan City Police Station ang isang pulis matapos mahuli sa aktong tumataya sa isang ‘sabungan’ kagabi sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang pulis na si PSMS Kenneth Galope, 39 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Quibal, Delfin Albano at kasalukuyang nakaditine sa Roxas Police Station kung saan nasa ilalim pa ito ng pagsasanay sa Regional Training Center sa lungsod.


Matatandaang mahigpit na kautusan ni Pangulong Duterte sa mga pulis ang hindi dapat pagpasok sa iligal na gawain gaya pagsusugal dahil sa ipinapatupad na Internal Cleansing sa hanay ng kapulisan.

Nahaharap sa kasong Administratibo ang nasabing pulis matapos nitong lumabag sa PNP Code of Conduct and Ethical Standard.

Tiniyak naman ng Isabela Police Provincial Office na mananagot ang mga alagad ng batas na mahuhuli sa aktong gumagawa ng iligal na aktibidad.

Facebook Comments