Pulis, inaresto matapos magwala dahil sa kalasingan sa Malabon

Huli ang isang police officer na inaresto ng kanyang mga pulis dahil sa paghahamon ng gulo sa sobrang kalasingan sa Brgy. Maysilo, Malabon City.

Kinilala ang pulis na si Jervy Fusilero, 32 anyos, naka-assign sa Station 1 ng Raja Bago Balut, Tondo Police Station ng Manila Police District.

Sa ulat ng MPD, pasado alas 10:30 ng gabi kung saan tahimik na ang buong paligid at nasa loob na ng bahay ang mga tao sa Remedios Street sa Brgy. Maysilo sa Malabon dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay nagsusumigaw at naghahamon ng away ang pulis dahil sa kalasingan.


Agad na rumesponde ang mga kapwa niya pulis at siya ay inaresto, nakuha sa kanya ang isang Taurus pistol na loaded ng bala.

Sa ngayon, nahaharap na ito sa kasong alarm and scandal.

Facebook Comments