PULIS ISABELA, TINULUNGAN ANG ISANG DATING REBELDE

CAUAYAN CITY – Hinangaan ang isang pulis mula sa 1st Isabela Police Mobile Force Company matapos nitong magpamalas ng kabutihang loob at malasakit sa kapwa.

Ito’y matapos hindi magdalawang isip ni PLTCOL. Ruben Martinez, na pagkalooban ng tulong pinansyal ang isang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon dito, lumapit umano sa kanya ang former rebel upang humingi ng kaunting tulong para sa pamilya nito.


Kaagad namang tinugunan ito ng opisyal at maliban sa pera ay nagbigay rin ito ng bigas at mga damit.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ng dating rebelde dahil sa kabutihang ipinamalas ni Martinez.

Facebook Comments