Pulis Manila na Suspindido, Mahaharap sa Patung-patung na Kaso Matapos Magwala!

Aglipay, Quirino – Mahaharap sa patung-patung na kaso si PO1 Jayson Saddul na nakatagala sa Malabon Police Station matapos magwala at walang habas na nagpaputok ng sariling baril sa Purok sais, Barangay Pinaripad, Aglipay, Quirino noong madaling araw ng Miyerkules.

Ipinahayag ni Police Senior Inspector Reynold Gonzales, hepe ng Aglipay Police Station na kaagad na inaresto ang kapwa pulis dahil sa reklamo ng isang concerned citizen sa lugar na nagwala at maraming beses na nagpaputok ng baril si PO1 Saddul.

Sinabi pa ni Police Senior Inspector Gonzales na suspindido si Saddul dahil sa ginawang Absent Without Leave nito sa Quezon City Police District at nasa bayan ng Aglipay para dumalo sa paglilitis ng kanyang kasong kinasangkutan noong 2017.


Walang naipakitang dokumento si Saddul sa ginamit na caliber 45 sa pagpapaputok kung kaya’t mahaharap ito sa kasong Illegal Discharge of Firearms at Illegal Possession of Firearms.

Sa ngayon ay nakapiit na si PO1 Jayson Saddul sa PNP Aglipay habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Samanatala iginiit ni PCI Gonzales na itutuloy ang kaso laban kay Saddul upang magbago sa dami ng reklamo laban sa kanya at maging halimbawa sa mga dumudungis sa imahe ng kapulisan.

Facebook Comments