Pulis Maynila, arestado sa Tayabas Quezon matapos bumyahe sakay ang mga UPOR

Huli ang isang bagitong pulis na nakatalaga sa Maynila matapos na ibyahe ang pitong pasaherong Unauthorized Persons Outside Residence (UPOR) sa Tayabas Quezon na paglabag ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kinilala ni Police Col Audie Madrideo Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office ang naarestong pulis na si Patrolman Nerio Jojo Penaflorida Bravo Jr. ng MPD Mobile Force Battalion at nakatalaga sa us embassy.

Sa report ni Madrideo, nakatangap ng sumbong ang tayabas pnp na may sasakyang itim na mitsubishi expander na nagbababa ng mga pasahero sa Barangay Ibabang Ilasan, Tayabas City.


Sa pagresponde ng mga pulis ay dito naaktuhan si Bravo at kaniyang mga pasahero.

Sa imbestigasyon, kinontak umano sila ng pulis sa pamamagitan ng social media at sinundo sa Tanay, Rizal.

Ihahatid sila sa tayabas kapalit ng halagang 2,500.00 bawat pasahero.

Ginamit ni Bravo ang kaniyang pagka-pulis, sa katunayan ay naka-uniporme pa ito ng fatigue para makalusot sa mga checkpoint na kanilang dinaanan.

Siya ngayon ay hawak na ng Quezon PPO ang pulis at nahaharap sa patong-patong na kaso kasama ang pitong pasahero.

Facebook Comments