Pulis-Maynila na inakusahan ng panggagahasa, dapat agad matanggal sa serbisyo — Elago

Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago na agad matanggal sa serbisyo ang isang opisyal ng pulisya sa Maynila na inakusahan ng panggagahasa.

Ayon kay Elago, hindi sapat ang suspension o simpleng administrative case lamang dahil wala dapat puwang ang mga abusado, lalo na yung mga nasa kapangyarihan.

Lubhang nakakabahala para sa kanya ang sunod-sunod na balita tungkol sa mga pulis na nang-aabuso ng kababaihan. Diin ni Elago, ito ay malinaw na pattern ng pang-aabuso at kawalan ng pananagutan sa loob ng kapulisan.

Tiniyak din ni Elago na bukas ang Gabriela Women’s Party sa pagbibigay ng suporta at serbisyo sa biktima.

Facebook Comments