Pulis mula sa ARMM, arestado sa drug buy-bust operation

Cagayan de Oro – Isang pulis na high value target ng kapulisan sa Cagayan de Oro City ang naaresto sa drug buy bust operation kagabi.

Ang suspek ay si PO1 Zamxari Usman na nadestino sa Police Regional Office Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM sa Shariff Aguak.

Kabilang sa naaresto si Peter Fabro na taga Camella Homes, Upper Carmen sa syudad ng Cagayan de Oro.


Nakuha mula sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit limang libong peso, drug paraphernalia at buy bust money na 500 pesos.

Facebook Comments